Sa pagtatapos ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ang University of Antique – Samahang Filipino (UA-SAMFIL) ay naggawad ng mga parangal sa mga kalahok ng iba’t-ibang kategorya ng patimpalak at ipinakilala ang mga bagong opisyales sa Tiripunan Hall (dating Traditional Knowledge Center) noong Setyembre 2, 2024.
Kabilang sa mga kategorya ng patimpalak na isinagawa noong 30 ng Agosto ay ang Poster Making, Tagisan ng Talino, at Vocal Solo.
Ang mga kalahok na nagwagi ay sina Rudyard Cristobas para sa Poster Making; Gricilla Macadangdang, Jerick Segunla at Juhanna Bea Orjaliza para sa Tagisan ng Talino – lahat ay mula sa College of Computer Studies (CCS); at si Mary Ann Marfil mula sa College of Teacher Education (CTE) naman ang nanaig laban sa iba pang kalahok sa bawat kategorya.
Binigyang diin ni Propesor Mahalia Denosta, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, ang papel ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagtataguyod ng kamalayan at pagpapanatili ng wikang Filipino.
Samantala, si Bb. Eimeren Rose B. Sebastian na Panauhing Tagapagsalita, ang nagsilbing opisyal ng panunumpa sa mga bagong hirang na opisyales ng SAMFIL.
Ang naturang organisasyon ay nagbigay din ng parangal para sa may Pinakamasining na Pananamit Panlalaki at Pambabae, pati na rin sa mga nanalo sa Pagsasabuhay ng mga Kilalang Karakter sa Obra Maestrang Filipino.
Nagpakitang gilas din sa nasabing kulminasyon ang mga mag-aaral mula sa Bachelor of Physical Education (BPEd) Icons Inc. ng CTE at nagtapos sa “Sayaw hirUpAy” at mensahe ng pasasalamat para sa mga organisasyon at indibidwal na tumulong upang maisagawa ang panapos na gawain mula sa Tagapayo ng SAMFIL na si G. Karl John Secando.
𝑃ℎ𝑜𝑡𝑜𝑠 𝑐𝑜𝑢𝑟𝑡𝑒𝑠𝑦 𝑜𝑓 𝑆𝑡𝑢𝑑𝑒𝑛𝑡 𝑂𝑟𝑔𝑎𝑛𝑖𝑧𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑈𝑛𝑖𝑡 & 𝐼𝑛𝑓𝑜𝑟𝑚𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑈𝑛𝑖𝑡