Ang University of Antique ay kaisa sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month at sa paggunita ng ika-27 taon ng pagpapatibay ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).

Isang pagpupugay sa mayamang kultura, karunungan, at kontribusyon ng ating mga katutubo na patuloy na nagsisilbing pagkakakilanlan at pamana para sa mga Pilipino ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.

Nawa ay patuloy nating kilalanin, itaguyod, at pahalagahan ang mayamang kultura at ang mga karapatan ng ating mga katutubo at ng kanilang komunidad lalo na ang mga Katutubong Pamayanan ng Antique – ang mga Ati, Iraynon-Bukidnon, Cuyonon.